NAGA CITY – Patay ang isang back rider matapos na masangkot ang sinasakyang motorsiklo nito sa karambola ng 5 sasakyan sa Barangay Anayan, Pili, Camarines Sur, pasado 6:00 kagabi.
Kinilala ang nasawi na si Renato Galvan, 42-anyos ng Tuburan, Ligao City, Albay kung saan papauwi na sana ang mga ito ng mga oras na maganap ang aksidente.
Napag-alaman sa imbestigador ng kaso na si PSSg Alejandro Padron II, naipit umano ng 3 truck ang sinasakyang motorsiklo ng biktima, dahilan upang magtamo ito at ang driver ng matinding sugat sa iba’t-ibang parte ng kanilang katawan.
Samantala, kaagad namang naisugod sa pagamutan ang mga sugatang biktima, subalit makaraan ang ilang oras ay ideneklarang wala ng buhay ang biktima na mismong ipinag-bigay alam sa PNP ng may bahay nito.
Muling paalala ng mga otoridad sa mga motorista, iwasan ang pag-inom ng alak kung magmamaneho ng sasakyan at laging magsuot ng helmet.