Babaeng pinaghihinalaang miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG), kusang loob na sumuko sa kapulisan

CAMARINES NORTE- Kusang loob na sumuko sa Jose Panganiban MPS ang isang babaeng pinaghihinalaang miyembro ng Communist Terrorist Group

Boluntaryong sumuko ang babae sa mga otoridad dakong alas 7:45 ng umaga nito lamang Abril 25, 2023 sa Barangay North Poblacion, Jose Panganiban, Camarines Norte.                 

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Ang nasabing personahe ay kinilalang si alias NENG, 53 taong gulang. Ayon sa ulat, boluntaryong sumuko ang nabanggit na personahe dahil sa isinasagawang mga programa at kampanya kontra terorismo ng mga kapulisan kaya nahimok itong sumuko.

Dagdag pa rito, si NENG ay nagpasyang tanggapin ang mga programang nakapaloob sa mga kampanya at programa ng gobyerno sa pamamagitan ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict o NTF-ELCAC at Enhanced-Comprehensive Local Integration Program o E-CLIP para sa kanyang kapakanan at ng kanyang pamilya.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon