Babaeng negosyante sa bayan ng Paracale timbog sa iligal na droga

CAMARINES NORTE – Arestado ang isang babaeng negosyante sa ginawang buy bust operation Biyernes ng gabi sa  barangay Bagumbayan Paracale, Camarines Norte.

Kinilala lang sa alyas na “Linda” 54 ang suspek na residente naman ng Barangay Palanas parehong bayan.

Ayon sa ulat ng pulisya nakumpika sa suspek ang hindi pa matukoy na dami at halaga ng iligal na droga.

Nasa kustodiya ng Paracale Municipal Police Station ang suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *