Babaeng nakapila para sa voter’s registration, sinabunotan umano ng nakagitgitan

Umangal ang isang gustong makapag-parehistro sa COMELEC matapos masabunotan umano habang nakapila sa harap ng SM Mall sa Puerto Princesa.

Ayon kay Jane Rose Herrera mula sa Barangay San Jose, habang nakapila kasama ng ibang taga- Barangay San Jose kanina ay may bigla umanong humila ng kanyang buhok na isang babae na hindi niya nakilala.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

Noong July 18, 2022 pa umano siya nakapila sa labas ng naturang mall para makapag-parehistro pero ilang beses din siyang nasisingitan.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Sa kabila nito ay umaasa siyang mapapalawig pa ng COMELEC ng voter’s registration upang makaboto siya sa Barangay & SK election sa December 5, 2022.