Regine Velasquez, tinugunan ang fans na nagde-demand na ideklara siya bilang National Artist

Nagpapasalamat si Regine Velasquez sa nakukuhang demand mula sa publiko para mahirang na National Artist in Music.

Ngunit ayon kay Regine, hindi pa siya qualified dito at naniniwala rin siyang may iba pang mas kwalipikadong artista na mas deserving sa titulo.

Nagsimula ang panawagan na hirangin siyang National Artist matapos tanungin ng isang news outlet kung karapat-dapat ang singer na bigyan ng titulo, kasunod ng pagkilala sa kanya sa Billboard Women in Music awards noong Marso.

Saad ni Regine, mas qualified kaysa sa kanya ang mga veteran singers na sina Pilita Corrales at Jose Mari Chan.

Umaasa rin si Velasquez na mabigyan ng parangal ang mga beteranong artista habang sila ay nabubuhay pa.

###