Babae sa West Africa nagsilang ng 9 na sanggol

Nasungkit ng isang babae sa bansang Mali ang world record matapos manganak ng siyam na sanggol.

Ayon kay Mali’s health minister, Dr. Fanta Siby maayos na lagay ang ng Nonuplets na kinabibilangan ng limang babae at apat na lalaki.

Read More:  Philippine debt hits record ₱19.66 trillion in September

Batay sa mga naunang ultrasound pito lamang umano ang nakita kaya’t laking gulat ng mga doktor nang malamang siyam pala ang nasa sinapupunan ng inang si Halima Cissé.

Read More:  PAGASA warns heat index could exceed 52°C in parts of the Philippines

Ipinanganak ang siyam na paslit sa pamamagitan ng cesarean delivery.

Ang kasalukuyang world record para sa pinakamaraming bilang ng ‘live birth’ ayon sa Guinness World Records ay walo na nangyari kay Nadya Suleman ng California noong 2009. (LEY BAGUIO)