Nakuha ng koponan mula sa Castillejos, Zambales ang kampyonato sa Men’s Category sa katatapos lamang na Tukal-Tukal 2.0 Trail Run sa bayan ng Botolan.
Ito ay sa 34-kilometer trail run noong May 1 na sinalihan ng 70 runners mula sa iba’t ibang lugar.
Ang takbo ay nagsimula sa Camp Kainomayan papunta sa Tukal Tukal Falls sa Mt Cahapatan.
Samantala nakuha naman ng Team Cebu ang kampyonato sa Women’s Category.//Russell Banawa-BNFM IBA
