LEGAZPI CITY – Inaresto ng mga awtoridad ang tatlong kalalakihan sa P-7, Brgy. San Isidro Ilawod Bayan ng Malilipot, Albay dahil sa ilegal na pagsusugal.
Kinilala ang mga suspek na sina Augusto Balia Buelo, 57 anyos residente ng nasabing barangay, Antonio Bisoña Villaluz, 77 anyos married, residente ng Bonafe St., Brgy. 3 Poblacion ng kaparehong bayan at si Rex Villanueva residente ng Brgy. San Lorenzo lungsod ng Tabaco.
Ayon sa report, hapon ng makatanggap ng tawag ang malilipot mps tungkol sa ilegal na pagsusugal mula sa isang concerned citizen.
Dahil dito agad na pinuntahan ang lugar upang beripikahin ang tungkol umano sa pagsusugal, nang maabotan ng mga awtoridad ay dito na naaktohan ang mga suspek ay naglalaro ng baraha sa pamamagitan ng tong its.
Narekober sa kanila ang isang deck na baraha at pera na ginamit sa pagsusugal.