Babae kaka-discharge lang sa mental hospital, wala ng buhay nang matapuan sa Calauag, Quezon

Wala ng buhay nang matagpuan ang isang 47-anyos na babae sa Barangay Marilag, Calauag, Quezon nitong Miyerkules, Mayo 15.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, nakita na lamang ang nasawi habang nakahandusay sa sahig ng kanilang bahay.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Samantala, walang nakitang foul play hinggil sa pagkasawi ng biktima.

Ayon sa live in partner nito, ang biktima umano ay dumanas ng mild stroke at kaka-discharge lang din nito sa mental hospital sa Mandaluyong City nitong Abril 17 ng kasalukuyang taon.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Samantala, nasa pangangalaga ng pamilya ang mga labi ng biktima.