Matapos ang ilang linggong rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo – dagdag-bawas naman ang namumuro sa susunod na linggo.
Sa pagtataya ng oil industry sources, may inaasahang rollback sa presyo ng gasolina mula P0.20 hanggang P0.45.
Sa kabila nito, mayroon namang umento sa diesel mula P0.20 hanggang P0.10; at price hike din sa kerosene mula P0.10 hanggang P0.20.
Kapag nagkataon – ito na ang ika-apat linggong sunud-sunod na rollback sa gasolina; habang mapuputol naman ang ikalima na sanang linggong rollback na rin sa diesel at kerosene.
Araw ng Martes ilalabas ang opisyal na price adjustment, habang magiging epektibo ito sa Martes.