Unang regional consultation hinggil sa RBH 6, lumarga na

Isinagawa na ngayong araw sa Baguio City ng ilang senador ang pagdinig hinggil sa Resolution of Both Houses No. 6 (RBH6).

Layunin ng nasabing resolusyon na amyendahan ang tatlong probisyon ng Saligang Batas na kinabibilangan ng public utilities, education at advertising industry.

Read More:  Zubiri apologizes to Bukidnon for joining minority bloc

Samantala, ilan lang sa mga provincial at local government officials na dumalo ngayon ay ang mga alkade ng Itogon at Tuba, Benguet kasama na rin ang regional director ng Department of Education (DepEd) sa Cordillera Administrative Region (CAR).

Read More:  Labor group pushes ‘no work, no pay’ rule in Senate

Sa kabilang banda, tiniyak ng mga dumalong senador na patuloy nilang ipaprayoridad ang kapakanan ng bawat mamamayang Pilipino sa pagdedesisyon dito.