Babae, huli sa drug buy-bust ops sa Sariaya, Quezon; ₱2.6 million halaga ng hinihinalang shabu, nasabat

Arestado ang isang babae matapos itong makumpiskahan ng mahigit ₱2.6 million halaga ng hinihinalang shabu sa Barangay Sto. Cristo, Sariaya, Quezon nitong Linggo, Mayo 12.

Sa ikinasang operasyon ng awtoridad, isang poseur buyer ang nakabili ng hinihinalang shabu sa suspek na si alyas “Sharly” , 43-anyos, na nagresulta sa kanyang pagkakaaresto.

Tinatayang nasa 130 gramo ang timbang ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa suspek na napag-alamang isang High Value Individual (HVI).

Sa ngayon, nasa kustodiya ng awtoridad ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *