World Number 1 Navak Djokavic, tinalo ng Chilean player sa Italian Open

Tinalo ng Chilean player na si Alejandro Tabilo sa loob ng 67 minutes ang world number 1 tennis player na si Navak Djokavic sa Italian Open.

Kung saan natapos ang score nila sa 6-2 at 6-3.

Ayon kay Djokavic, nakaapekto sa kanyang paglalaro ang nangyaring insidente, dalawang araw bago ang kanyang laban kay Tabilo.

Mababatid na aksidenteng natamaan siya ng bote ng tubig sa ulo na nagdulot ng pagkahilo, pagduduwal, at pagdurugo ng kanyang ulo.

Sinabi pa niya na kailangan niyang pagbutihin kung pagbibigyan siya ng pagkakataon na ipanalo ang kanyang ika-25 major titles.

Samantala, hindi naman makapaniwala si Tabilo na natalo niya ang 6 time champion na si Djokavic dahil wala pa siyang naipapanalong titulo ngayong taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *