Mambabatas, nanawagan kay PBBM na magtalaga ng permanenteng kalihim ng DOH

Nanawagan si House Minority Leader at 4Ps Party-list Rep. Marcelino Libanan sa administrasyong Marcos na magtalaga na ng permanenteng kalihim ng Department of Health.

Sa isang pahayag, sinabi ni Libanan, na ang pagkakaroon ng permanenteng pinuno ng DOH ay makakatulong sa layunin na mabilis na gawing moderno ang healthcare system sa bansa at posisyon ng Pilipinas bilang isang global medical hub tulad ng Singapore.

Read More:  DSWD, PNP build case vs fake Pampanga collapse survivor

Mula nang maupo noong June 30, hindi pa nakakapili ng health secretary si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Ang DOH ay kasalukuyang pinamumunuan ni Undersecretary Ma. Rosario Vergeire bilang officer-in-charge.

Read More:  Comelec issues subpoena to contributor in Escudero’s election campaign

Nanawagan rin ang mambabatas ng epektibong public-private partnership upang ilagay ang bansa sa mas magandang medical developments.