PHO Sorsogon nakahanda sakaling simulan na ang pagbabakuna sa edad 5-11 anyos

SORSOGON CITY – Handa ang buong hanay ng Provincial Health Office (PHO) Sorsogon sakaling umpisahan na sa lalawigan ang pagbabakuna sa mga kabataang edad 5-11 anyos.

Ayon sa pamunuan, hindi na bago ang usapin ng pagbabakuna lalo na’t nasubukan na ang pagbabakuna sa mga 12-anyos kung saan positibo ang naging tugon rito ng mga magulang at walang anumang naging problema sa lahat ng mga menor-de-edad na naturukan ng bakuna.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Nakita na rin ng karamihan ang kahalagahan ng bakuna, kung kaya’t tiyak na hindi ito gaanong magiging hadlang sa vaccination roll out ng edad 5-11 anyos.

Matatandaan na binigyan na ng emergency use authorization (EUA) ng Food and Drug Administration (FDA) Philippines ang Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccine para gamitin sa nasabing age bracket.

Naaprubahan ang nasabing gamot dahil sa nakitang mild side effects lamang habang mataas ang efficacy nito na mahigit 90% para sa 6-11 taong gulang na batay sa naging clinical trials ay­ kon­ting lagnat lamang na may mararamdamang sakit sa pinagturukan, ­subalit walang natukoy na kakaiba o mahalagang safety signals ayon sa DOH.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Nilinaw rin ng ahensya na mas mababa ang dosage at concentration na gagamitin sa 5-11 anyos, kumpara sa naibigay sa adults at kabataang 12-17.