Apela ni Vhong Navarro na manatili sa detention facility ng NBI, binasura ng korte

Ibinasura ng Taguig Regional Trial Court ang mosyon ng TV host-actor na si Vhong Navarro na manatili sa detention facility ng National Bureau of Investigation (NBI).

Ayon sa korte, bigo si Vhong na magbigay ng sapat na batayan para hindi siya alisin sa detention facility ng NBI, at hindi nakapagbigay ng katibayan na may banta sa buhay nito kapag inilipat sa Taguig City Jail.

Read More:  Zubiri apologizes to Inday Badiday’s family

Ang hiling ng aktor ay matapos na magpetisyon ang kampo ni Cornejo na dapat sa Taguig City Jail nakadetine si Vhong batay sa isinasaad sa warrant of arrest.

Una rito, inatasan ng Court of Appeals ang City Prosecutor of Taguig City na magsampa ng rape at acts of lasciviousness case laban kay Vhong batay sa reklamo ng model-stylist na si Deniece Milinette Cornejo na nangyari noong Enero 2014.

Read More:  New DOLE Chief Tolentino vows stronger labor safety enforcement

Kasunod nito ay sumuko si Vhong sa NBI nang maglabas ang korte ng warrant of arrest laban sa kaniya para sa kasong acts of lasciviousness.