Audio Recording ng death threat at extortion sa pamilya Mabasa, pa-iimbestigahan sa NBI

Nakatakda nang isumite sa mga cybercrime units ng National Bureau of Investigation at Philippine National Police ang recordings at screenshots ng pagbabanta sa pamilya Mabasa, ang naulila ng brodkaster na si Percy Lapid.

Nakuha ni Senadora Risa Hontiveros ang audio recording sa pag-uusap ng pamilya Mabasa, at ng isang umano’y impormante sa krimen.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Ayon kay Hontiveros, umaasa siyang makatutulong ito sa imbestigasyon ng mga otoridad, at maaaring maging lead para matukoy ang mastermind sa krimen.

Read More:  Marcos rejects claim flood control cases target Senate majority

Matatandaang maririnig sa recording ang sinabi ng anonymous caller na nanganganib ang buhay ni Roy at Mark Mabasa.

Tahasan din nitong idinawit ang suspendidong Bureau of Corrections director general Gerald Bantag.