Auckland, pinalawig ang lockdown nito ng karagdagang dalawang linggo

Pinalawig ng Auckland, na pinakamalaking siyudad ng New Zealand, ang lockdown nito ng karagdagang dalawang linggo.

Ipinaliwanag ni Prime Minister Jacinda Ardern na dahil ito sa patuloy na pakikipaglaban ng bansa sa Delta variant.

Dagdag ni Ardern, paspasan na ang ginagawang vaccination sa kanilang bansa.

Iginiit naman ni Ardern na walang magbabago sa mga restriksyon, na pinakamahipit sa lahat ng OECD grouping ng 34 na leading economies.

Mababatid na mahigit dalawang buwan na ang itinatagal ng lockdown sa Auckland, na may 1.7-million na populasyon.