ATM card na ibinibigay sa Philsys registrants, walang laman na ayuda

SORSOGON CITY – Walang laman na ayuda. ito ang binigyang-diin ni Philippine Statistics Authority (PSA)-Sorsogon head  Elvira Apogñol sa gitna ng mga paniniwala ng ilang mga nagparehistro sa ilalim ng PhilSys at nakatanggap ng wallet card na mula sa Landbank of the Philippines.

Ayon dito, walang lamang pera bilang ayuda ang nasabing ATM Card na nairelease ng Landbank sa mga nagparehistro.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Paliwanag ng opisyal, ang pag-iisyu ng nasabing card ay kabilang sa mga objective ng Philippine ID System na financial inclusivity ng mga Pilipino partikular na sa mga lowest income household.

Subalit ang nasabing wallet card ay para lamang sa mga Pilipinong wala pang ATM card o account mula sa alinmang bangko at may limang taong validity, kung saan tulad ng ibang ATM cards ay puwede rin umano itong gamitin ng mga naisyuhan nito sa kanilang mga transaksyon.

Read More:  Six student interns injured after falling from hitchhiked truck in Bukidnon

Una rito, paniwala ng ilang naisyuhan ng nasabing ATM card na bukod sa may laman itong pera indikasyon din umano ito na makatatanggap sila ng buwanang ayuda mula sa pamahalaan.