Assistant Head ng Tabaco CDRRMO nag-negatibo na sa RT-PCR test kontra Covid-19

LEGAZPI- Kinumpirma mismo ng Head Assistant ng City Disaster Risk Reduction adn Management Council sa lungsod ng Tabaco sa Albay na nagnegatibo ito sa sinagawang RT PCR test kontra Covid-19 ng Rural Health Unit habang nasa nasa isolation/ quarantine facility sa Tabaco National High School.


Ayon kay Gel Molato, sa kabila ng pagpositibo nito sa antigen , nagnegatibo na ito sa RT-PCR test at wala nang nakitang mga sintomas ng nakakahawang sakit ngunit mas minabuti na tapusin ang 14 days quarantine para masigurong ligtas at magaling na.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon


Siniguro naman nito na nasa mabuting kalagayan habang nasa loob pa rin ng isolation facility.

Read More:  Man killed in riding-in-tandem attack at Bacolod computer shop

Aniya, solo nitong inuukupa ang second floor at sa ground floor naman ang mga nagpositibo.


Samantalang nilinaw rin nito na malaki ang naitulong sa kanyan ng Covid-19 Vaccine na naiturok na sa kanyang katawan bago tamaan ng nakakahawang sakit.