Assesment sa mga 4ps Beneficiaries sa Dinapigue, tinutukan ng DSWD

Personal na pinuntahan ng mga kawani ng Department of Social and Welfare Development Regional Field Office 2 ang mga tahanan ng mga benepisaryo ng Pantawid Program o 4Ps.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan sa ahensya, ang naturang hakbang ay upang malaman ang tunay na kalagayan ng mga benepisaryo sa Dinapigue, Isabela.

Read More:  Six student interns injured after falling from hitchhiked truck in Bukidnon

Bukod dito, pinaalalahanan rin ng ahensya ang mga benepisaryo na tumalima sa panuntunan ng ahensya sa ilalim ng Pantawid Program.

Ito ay upang maiwasan ang paglabag at patuloy na makatanggap ng ayuda o benepisyo.

Read More:  Dumanjug Mayor’s driver’s license suspended for 90 days after viral crash in Cebu

Samantala, matagumpay namang natapos ng ahensya ang kick-off ng Safer Internet Day at National Awareness week.

Layunin nitong maiwasan ang Child Sexual Abuse and Exploitation at hindi makaranas ang mga bata ng pambubully.