Aso sa New York nagpamalas ng talento sa pamamagitan ng ice skating

NYC– Nagpamahalas ng talento ang isang aso sa New York sa pamamagitan ng ice skating, kinilala ang aso sa pangalang Benny – isang asong gala na nailigtas lamang sa isang shelter bago pa ito mawalan ng buhay.

Ayon sa retired professional figure skater na si Cheryl Delsangro, walong taon lamang ang Labrador retriever na si Benny ng mailigtas nya ito sa isang shelter na lumilipol ng mga galang aso sa Utah, United States.

Aniya, tumawag sya sa tanggapan kung nasaan ang aso at napag-alaman niyang huling araw na pala iyon ni Benny at nakipag-areglong aampunin na lamang ito.

Inihayag rin nitong sa mga araw na may ice skating sya ay hinahabol sya ng aso at tila naglalaro, kaya naman ay naisipan nyang turuang mag ice skate ang aso.

Samantala, ipinamalas ni Benny ang kanyang galing sa ice skating sa Wollman Rink in Central Park, New York City para makalikom ng pera na ibibigay sa Animal Vision Foundation na naglalayong mabigyan ng halaga ang buhay ng mga hayop.### ROWELYN SARALDE – Intern