ASF-affected farmers sa Tiwi, Albay, makakatanggap ng libreng mga manok

LEGAZPI CITY – Makakatanggap ng libreng mga manok ang ilang African Swine Fever (ASF) -affected farmers sa bayan ng Tiwi, Albay.

Ayon kay Provincial Veterinarian Dr. Pancho R. Mella, sinisikap na ngayon ng Pamahalaang Panlalawigan na agad na maipamahagi ang mga manok na maaaring magamit ng hog raisers bilang panimula ng kanilang hanapbuhay.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Dagdag pa ni Mella, may mga hinihintay na lamang silang mga hakbang at mga dokumento upang masimulan ang poultry farming ng aabot sa 83 mga residente mula sa 4 na mga barangay kung saan kinatay ang mga alagang baboy na nagpositibo sa ASF.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod