ASEAN countries, ‘ready to assist’ sa Pilipinas para sa pagpapauwi ng mga Pinoy na nasa Israel

Handang tumulong sa Pilipinas ang mga kalapit bansa sa South East Asia sa pagpapalikas ng mga Pinoy na nasa Israel.

Ito ang sinabi ni Department of Foreign Affairs o DFA Usec Eduardo de Vega sa press briefing sa Malacañang.

Read More:  Sen. Pia Cayetano moves on after viral Senate emotional speech

Ilan dito ay ang bansang Indonesia, na nag offer ng tulong para mailabas ang mga Pilipino na nasa bahaging west bank ng Gaza.

Nakikipag-usap din ang bansa sa Egypt para payagan na doon muna patuluyin ang mga Pinoy na makakalabas ng Gaza.

Read More:  “Tapos ang boxing”? Sen. Tulfo confirms fresh talks to replace Senate President Cayetano

Nabatid na isa sa direktiba ngayon ni Pangulong Bongbong Marcos sa DFA ay tiyakin na mapapauwi ng ligtas ang lahat ng Pilipino na naiipit sa sagupaan ng Israel at Hamas militants.

Sa tala ng embahada ng Pilipinas, nasa 131 na mga Pilipino ang nasa Gaza, karamihan sa kanila ay naka pangasawa na ng Palestinian.