Maaaring ireklamo ang mga kawani ng gobyerno na masusungit at nakasimangot sa pag-asikaso ng transaksyon ng publiko.

Ito ang sinabi ni Anti-Red Tape Authority (ARTA) Director General Ernesto Perez sa public briefing ng Bagong Pilipinas.
Ayon kay Perez, kapag napatunayang hindi naaayon ang gawi sa polisiya ng Civil Service Commission (CSC) ay posibleng masuspinde o ma-dismiss sa serbisyo ang public official.
Aniya, nagkaroon ng kasunduan ang ARTA at CSC para mag-imbestiga laban sa mga inireklamong opisyal o kawani ng gobyerno.