Army-Bicol, nagsagawa ng ‘test fire’ sa kanilang bagong Howitzer Canon

Nagsagawa ng malawakang hakbang para sa kanilang ‘force protection measures’ ang 2nd IB na nakatalaga sa Brgy Panisijan, Uson, Masbate.

Dalawang araw na sinubok ng mga ito ang kanilang bagong 105mm Howitzer Canon na nakatarget sa madamo at walang katao-taong lugar na sakop ng Brgy Bonifacio ng nasabing bayan.

Ayon sa commander ng nasabing battalion na si Ltc Orlando Ramos, kanilang pinaalam sa alkalde ng nasabing lugar ang kanilang ginawang pagsasanay kung saan may bahagi sa lugar ng nasabing barangay na siyang ginawang ‘impact area’  para sukatin ang ‘accuracy at power punch’ ng kanilang Howitzer canon.

Ayon pa sa opisyal, bago ang aktibidad, ay kanilang siniguro na walang taong madadamay sa tinatawag nila na ‘impact area’ kung saan tatama ang putok ng nasabing 105mm Howitzer.

Ang alkalde ng Esperanza na si Fernando Talisic at iba pang awtoridad ng gobyerno ay naimbitahan sa nasabing exercise at nabigyan ng pagkakataon na magpaputok ng 105mm Howitzer.

Ayon naman sa commander ng 903 Bde na si BGen Aldwine Almase, ang kanilang inisyatiba ay hindi lamang para matiyak ang kaligtasan ng mga sundalo kundi para palakasin ang kahandaan ng buong batalyon laban sa rebeldeng grupong NPA.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *