CAMARINES SUR-Pinaalerto ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR)- Bicol ang mga nasa aquaculture sector dahil sa posibleng epekto ng ash fall mula sa nag-aalburutong Bulkang Mayon.
Sa kaya naman dapat may monitoring sa kalidad ng tubig, posible ang oxygen depletion, contamination at mauwi sa fish kill.
Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Fisheries Production and Support Services Division Chief Atty. Nilo Consuelo, sinabi nitong kung mangyayari ito maapektuhan ang supply ng isda kaya nakipag ugnayan na sila sa mga karatig rehiyon para makatulong sa pangangailangan.
2018 nang makarating sa Rinconada Area ang abo mula sa Bulkang Mayong, nasa naturang distrito ang Lake Buhi na pinagkukunan ng supply ng tilapia at kung nasaan ang kilalang Sinarapan o ang pinakamaliit na isda sa buong mundo. Naroon din ang Lake Bato na isa rin sa nag susupply ng tilapia sa merkado sa Camarines Sur.