Application ng 3rd Telco na magtayo at magoperate ng Telecommunication facilities sa bayan ng Basud tatalakayin sa gagawing committee meeting ngayong araw

BASUD, CAMARINES NORTE- Tatalakayin sa isang committee meeting sa Sangguniang Bayan (SB) ngayong umaga ang tungkol application ng DITO Telecommunity Corporation na magtayo at mag operate ng cell site o  Telecommunicatiion facilities sa Barangay Tuaca, Basud Camarines Norte.

Batay sa sulat sa SB ni Joselito Jarcia, Site Acquisition Specialist ng Comm Trend Construction Corp., ang authorized contractor ng ZTE Philippines Inc. at general contractor ng DITO, layon ng pagtatayo ng pasilidad na magkaroon ng malinaw, mabilis at mas maayos na telecommunication services sa mga residente, negosyo at iba pang indibidwal lalo na sa panahon ng kalamidad at iba pang “challenging circumstances.”

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Naniniwala umano ang Comm Trend Construction Corp na lahat ng mga Local Government Unit tulad ng Basud ay nakasusog sa “thrust” ng national government na naghihikayat sa private sector na ituloy ang expansion at improvement ng basic telecommunication services.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Nito lang Marso ay sinimulan ang commercial operation ng DITO, ang ikatlong telecommunications company sa ilang lugar sa bansa.