NSC, wi-nelcome ang pagtutol ng G7 sa mga mapanganib na aksyon ng China sa mga barko ng Pilipinas sa WPS

Wi-nelcome ng National Security Council ang pagtutol ng Group of 7 Leaders sa anumang unilateral attempt ng China para baguhin ang kasalukuyang kalagayan sa East at South China Seas sa pamamagitan ng puwersa o pananakot.

Maaalalang sa inilabas na pahayag ng G7, kinondena nila ang paggamit ng China ng water cannons at dangerous maneuvers laban sa mga barko ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

Binigyan-diin din nila na hindi nila kinikilala ang maritime claims ng China na labag sa itinakda ng UNCLOS alinsunod na rin sa 2016 arbitral ruling.

Ayon kay National Security Adviser Secretary Eduardo Año, nakikiisa ang NSC sa pagtutol sa militarization, coercive actions, at intimidation activities ng China sa WPS.

Sinabi pa ni Año, na ang Pilipinas ay nananatiling commited sa pagtiyak ng kapayapaan, katatagan at seguridad sa rehiyon.

Umaasa rin ang opisyal sa patuloy na kolaborasyon sa G7 at international community sa pagsunod sa maritime law at sa pagtitiyak na ang South China Sea ay mananatiling zone of peace.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *