Apayao PDRRMO, nilinaw na ang crash site ng Cessna plane ang kumpirmado

Nilinaw ng Apayao Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) na tanging ang crash site ng nawawalang Cessna plane lang ang kumpirmado.

Read More:  Teodoro again rejects claims Philippines is a ‘trouble maker’ in WPS tensions

Mababatid kahapon, sinabi ni PDRRM Officer Jeoffrey Borromeo na ang dalawang sakay ng eroplano ay patay na.

Sa isang social media post ng Apayao PDRRMO binawi ang statement ni Borromeo at sinabing ‘subject for verification’ lahat ng impormasyon maliban sa lokasyon ng nawawalang plane.

Read More:  Dela Rosa camp questions legal basis of ₱50 million reward

Kasalukuyan namang itinigil ang operasyon ng search and rescue team dahil hindi maganda ang lagay ng panahon.