Apat na pampasabog, narekober habang naglilipat ng poste sa Lucban, Quezon

Narekober ang apat na Unexploded Explosive Ordnance (UXO) sa Lucban, Quezon habang naglilipat ng poste ang mga tauhan ng isang electric company nitong Miyerkules, Abril 18.

Sa isang panayam, sinabi ni Former Lucban MPS Acting Chief of Police (ACOP) PMaj Marnie Abellanida na bandang alas-11 ng umaga ng itawag ng isang empleyado ang 4 na UXO na agad namang nirespondehan ng mga kapulisan.

Read More:  Two fishermen rescued after boat carrying sacks of cement capsizes

Agad namang humingi ng tulong ang Lucban MPS sa Provincial EOD and Canine Unit (PECU) para sa proper disposal procedure ng nasabing mga pasabog.

Read More:  Three former NPA members surrender in Eastern Visayas

Kaugnay nito, napag-alaman ng PECU na ang mga UXO na nakalap ay posibleng mula pa sa World War II at masasabing unstable din ang mga ito.