70% passenger capacity ng bus Bicol-Manila at vice versa pinayagan na

NAGA CITY- Hindi pa man naging fully operational ang buses ngayong kapaskuhan tulad ng ihinihirit ng Nagkakaisang Samahan ng Nangangasiwa ng Panlalawigang Bus nadagdagan na ang passengers capacity.

Ito ang kinumpirma sa Brigada News FM Naga ni Bicol Central Station Manager Nonoy Reforsado makaraang ilabas ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board  o LTFRB ang Memorandum Circular 076 na nagtatakda ng guidelines sa 70% capacity ng mga public utility vehicles.

Read More:  29 students affected by suspected food poisoning at Davao del Norte School

Pinagbasehan ng Interagency Task Force  ang vaccination performance kung saan 30% ang hinihingi as of Dec. 1 , subalit umabot sa 58% ang performance  sa Bicol ayon kay Reforsado, lalo na aniya ang Naga na umabot sa 86%.

Read More:  Forced evacuations imposed in Pampanga and Bulacan as severe flooding worsens

Epektibo ito hanggang Enero 4, 2022 at point-to-point pa rin ang sistema.

Sa mga fully vaccinated, card lamang at ID habang sa partially vaccinated COVID test result parin at ID.