Inanunsyo ng Malacañang ang apat na karagdagang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sites ka ikinokonsidera bilang suitable at mutually beneficial.

kabilang sa apat na lokasyon na ininspeksyon ng Armed Forces of the Philippines ay ang Naval Base Camilo Osias sa Sta Ana, Cagayan, Lal-lo Airport sa Lal-lo, Cagayan, Camp Melchor Dela Cruz sa Gamu, Isabela at Balabac Island sa Palawan.
Ayon kay Presidential Communications Office Secretary Cheloy Garafil, magagamit ang nasabing lokasyon para sa humanitarian at relief operations sa panahon ng emergency at natural disasters.
Matatandaang, pinagkalooban ni Pangulong Marcos noong Pebrero ang US troops ng access sa apat pang Philippine military camps maliban pa sa limang umiiral na lokasyon sa ilalim ng EDCA.//CA