San Beda tuloy ang roster revamp, wi-nelcome sina Nygel Gonzales, Bryan Sajonia

Hindi pa tapos ang San Beda University sa kanilang roster revamp matapos makuha ng Red Lions ang commitment ng top high school recruit na si Nygel Gonzales gayundin si Bryan Sajonia, na lumipat mula sa Far Eastern University.

Si Gonzales ay produkto ng Mapua University high school program at nakita sa aksyon sa katatapos lang na NCAA Season 98 juniors basketball tournament.

Ang 22-anyos na si Sajonia ay naglaro msa Tamaraws sa loob ng dalawang season at maaaring maglaro para sa San Beda sa NCAA Season 100 pagkatapos ng one-year residency.

Ang dalawang batang cager ay ang mga bagong idinagdag sa Red Lions roster kasunod ni Bismarck Lina, na lumipat din mula sa UAAP patungong NCAA matapos umalis sa University of the Philippines kasunod ng 2 seasons stint.

Papalakasin nila ang isang promising lineup na ibinandera nina Yukien Andrada, Jacob Cortez, Gab Cometa, at Peter Alfaro habang inaasam nilang ibalik ang San Beda sa kanyang glory days matapos na hindi makasali sa finals sa dalawang sunod na season.//CA