ISANG pinaniniwalaang antigong maong na pantalon ang naibenta sa halagang $114,000 o katumbas ng P6,000,000.
Batay sa ulat, ang naturang pantalon ay ginawa noon pang 1850s, ngunit napabilang ito sa mga kagamitang lumubog kasama ang barkong S.S Central America sa Atlantic Ocean noong 1857.
Matapos ang mahigit 170 years, ito ay narekober sa loob ng baul sa lumubog na barko.
Ayon sa isang fashion historian, ang naturang pantalon ay ikinokonsidera bilang “Oldest Known Pair of Jeans in the World”
Sa isinagawang auction kung saan, libong mga tao ang nakilahok, nagawang maibenta ang pantalon ng milyong-milyong piso.### JDR