LGU-Tabaco City, Albay, may abiso sa publiko tungkol sa HFMD management sa nalalapit na kapaskuhan

Bilang paghahanda ng LGU ng lunsod ng Tabaco para sa darating na kapaskuhan, nagbigay ng abiso ang nasabing pamahalaan patungkol sa mga protocols na kinakailangang sundin ng publiko patungkol sa hand, foot and mouth disease (HFMD) at iba pang sakit upang maging ligtas lalung-lalo na ang mga bata.

Sa abisong inilabas, nakasaad na ang mga batang may mga sintomas ng COVID-19 tulad ng ubo, sipon, lagnat ay hindi pahihintulutang lumahok sa mga school activities at inaabisuhang mag-isolate ng 7 araw, gayundin ang mga indibidwal na nagkaroon ng exposure sa isang COVID-19 patient.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Dagdag pa nito, ang mga batang may sintomas ng HFMD katulad ng lagnat, singaw at skin rashes na madalas natatagpuan sa kamay at paa ay inaabisuhan ding mag-isolate hanggang isang lingo o hanggang sa tuluyang mawala ang mga sintomas.

Ang mayroon namang mga HFMD ay kinakailangang iulat sa mga opisyal ng LGU para sa monitoring, at kinakailangan namang agad na magsagawa ng disinfection sa mga lugar na nakontamina.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Bukod pa rito, mahigpit ding ipinatutupad lalo na sa mga paaralan ang mga minimum public health standards tulad ng hand hygiene, cough etiquette, proper ventilation at ang pagsusuot ng face masks.

Samantala hinihiyakat din naman ng pamahalaan ang publiko na magpabakuna laban sa COVID-19 upang magkaroon ng karagdagang proteksyon.