BFP Legazpi nakatanggap ng isang ambulansya mula sa DILG

Kumpimado mula sa City Government of Legazpi na nakatanggap ng isang ambulansya ang Bureau of Fire Protection (BFP) Legazpi mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG).

Read More:  Appliance center manager robbed at gunpoint in Davao City

Ayon kay Mayor Geraldine Rosal, matagal na silang humihiling sa DILG na mabigyan ng bagong ambulansya.

Aniya, may kalumaan na rin kasi at sira-sira na rin ang sasakyang ginagamit ng BFP kung kaya’t kinakailangan na itong palitan.

Read More:  1,000 families affected as major fire hits Agdao, Davao City

Dagdag pa nito, malaking tulong ang ambulansya na ibinigay ng tanggapan dahil magagamit ito sa pagresponde kung may mga emergencies.