Inihain sa Kamara ni Puwersa ng Bayaning Atleta (PBA) Party-list Rep. Margarita Nograles ang House Bill No. 10679 o Defensive Driving Act of 2024 kung saan tatawagin din itong Anti-Kamote Driver Law.
Sa nasabing panukala, hindi agad ikukulong ang drayber sa oras na makakapagpakita ito ng picture o video bilang ebidensya na sumunod ito sa batas-trapiko.
Tinukoy ni Nograles ang mga kamote driver na mga pasaway at iresponsableng drayber.
Tinitiyak din ng panukalang batas na ang mga inosenteng drayber ay protektado mula sa hindi makatarungang pagkulong at ang karapatan ng mga biktima ay mananatili ang karapatan na ituloy ang legal na aksyon. # | (Driz)