Franchise ng PALECO, nanganganib

Nanganganib na hindi maka-renew ng prangkisa ang Palawan Electric Cooperative (PALECO) bilang power provider sa Palawan ayon kay Board Member Anton Alvarez.

Aniya, pinag-aaralan nila ang paggawa ng resolusyon  upang harangin ang PALECO sa pag-renew ng kanilang prangkisa dahil halos lahat ng mga Board Member ay tutol dito.

Read More:  Fake Pag-IBIG agent arrested in Davao City over ₱1.12-million housing scam

Nagdududa na rin umano ang mga lokal na mambabatas kung bakit hindi matuloy-tuloy ang Annual General Membership Assembly Meeting (AGMAM) na parang may itinatago ang kooperatiba.

Read More:  19 Badjao rescued after flood traps group beneath Iloilo bridge

Samantala, pinag-aaralan ngayon ng Sangunian ang paghati sa prangkisa ng PALECO sa dalawa o tatlo upang makapasok din umano ang iba pang mga power provider sa lalawigan.