Annual General Membership Assembly ng CANORECO sa susunod na buwan virtual pa rin

CAMARINES NORTE- Inanunsiyo ng Camarines Norte Electric Cooperative na hindi pa rin face-to face ang gagawing 39th Annual General Membership Assembly (AGMA) ngayong taon.

Isasagawa ito sa darating na August 27, 2022, araw ng Sabado, mula 1:00 ng hapon sa pamamagitan muli ng Facebook Live Stream sa Facebook account ng kooperatiba na Canoreco Balita.

Ang AGMA ay ang taunang pagpupulong ng mga Member Consumer Owner (MCO) na isinasagawa ng CANORECO tuwing huling Sabado ng Agosto kada taon.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Tampok dito ang pag uulat tungkol sa operasyon ng kooperatiba sa aspetong pinansyal, teknikal at institusyonal ng nakaraang taong 2021.

Mag uulat ang Pangulo ng Board of Directors,Treasurer at ang State of the EC Address” (SECA) ng General Manager.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Ayon sa naturang kooperatiba ng kuryente mahalaga ang pagdalo sa AGMA dahil nabibigyan ng partisipasyon ang mga MCO bilang miyembro ng kooperatiba. Ang pagdalo din dito ay isa rin sa mga kwalipikasyon para maging isang Direktor ng kooperatiba.

Kasama rin ang AGMA attendance sa Key Performance Standard na basehan ng NEA sa pagtukoy ng categorization ng kooperatiba.