BATANGAS CITY – Mahigpit na binabantayan ngayon ng mga tauhan ng pamahalaang bayan ng Lobo ang bawat kalsada sa kanilang nasasakupang barangay.
Ito ay para imonitor at sprayan ng dis-infectant ang mga lumalabas at pumapasok na mga sasakyan sa bayan.
Layunin nito na maiwasan ang pagkalat ng African Swine Fever sa naturang bayan alinsunod sa rekomendasyon ng Municipal ASF Task Force.
Samantala, pinabulaanan naman ng lungsod ng Calaca na mayroong nagpositibong kaso ng African Swine Fever sa kanilang lungsod.
Batay sa nakapanayam mula sa City Agriculture Office, sa ngayon ay prayoridad nila ang pagsasagawa ng mga aktibidad na may kaugnayan Mitigation & prevention upang hindi magkaroon ng nasabing sakit ng baboy sa lugar.
Anila, kung may mga baboy mang napapaulat ng nasasawi ay hindi ito dahil sa ASF kundi dahil ito sa ibang sakit tulad ng flu na napapanahong sakit ngayon ng baboy.
Sa katunayan ay mayroon silang sertipiko na nagpapatunay na ang lungsod ay ASF free.