Rayver Cruz at Julie Ann San Jose , inamin na ang kanilang relasyon

Kinumpirma nina Rayver Cruz at Julie Ann San Jose na sila’y magkasintahan na.

Naging opisyal ang  kanilang relasyon matapos magpalitan ng “I love you” ang dalawa sa concert ng singer actress kamakailan.

Read More:  Alex Gonzaga and Mikee Morada give first glimpse of their baby boy’s face

Nagpasalamat naman si Julie kay Rayver dahil marami umano ang nagbago sa buhay ng singer-actress simula nung dumating ito.

Sinabi rin ng aktor na nagpapasalamat siya sa pamilya ni San Jose sa pagpayag nitong ligawan siya sa kanilang bahay.

Read More:  Keanna Reeves unfazed by 28-year age gap with younger boyfriend

Ipinahayag ni Cruz ang kanyang pagpayag na maghintay para sa oo ni San Jose gaano man ito katagal.//CA