Anim na dating miyembro ng milisyang bayan sa Lalawigan ng Quezon, binigyan ng tulong pinansyal

Binigyan ng tulong pinansyal ang anim na dating miyembro ng Milisyang Bayan sa lalawigan ng Quezon nitong Lunes, Enero 15.

Kung saan ang nasabing aktibidad ay bahagi ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) na pinangunahan ng Gobernador ng lalawigan ng Quezon, Doktora Helen Tan katuwang ang Provincial Task Force-End Local Communist Armed Conflict (PTF-ELCAC).

Read More:  Flooding hits two Barangays in GenSan

Layunin ng programa na tulungan ang mga dating miyembro ng rebeldeng grupo na magbagong buhay at mamuhay ng payapa taliwas sa mapanlinlang na hangarin ng grupo.

Read More:  Grade 3 student dies after alleged punch by classmate in Davao City

Samantala, dumalo din sa aktibidad ang mga kasundaluhan ng 85th Infantry Batallion at iba pang mga ahensya ng pamahalaan kagaya ng DILG, DOLE at TESDA.