Andy Gemao, inimbitahan ng NBA sa Basketball Without Borders Global camp

Inimbitahan ang NCAA Season 98 MVP na si Andy Gemao na makilahok sa 8th Basketball Without Borders Global camp.

Bahagi ang kampo na ito ng NBA All-Star 2024 sa Indianapolis, Indiana, na nakatakdang magsimula sa Pebrero 16 hanggang 18 sa Mojo Up Sports Complex.

Isa si Gamao sa 40 prospect mula sa buong mundo na nakalista bilang mga dadalo

Kabilang sa mga produkto ng BWB Global camp ay sina Jamal Murray ng Denver Nuggets, Shai Gilgeous-Alexander ng Oklahoma City Thunders, Deandre Ayton ng Portland Trail Blazers, at Rui Hachimura ng Los Angeles Lakers.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *