Andi Eigenmman may patama sa influencer na kasama ni Philmar Alipayo?

Usap-usapan ngayon sa TikTok ang viral na video ng isang influencer kung saan kasama niya ang surfer na si Philmar Alipayo sa Siargao matapos ito bigyang kulay ng mga netizens.

Makikita kasi na parang “sweet” ang dalawa at may caption pa ang influencer na “For how many weeks staying here in siargao finally i saw you!”

Read More:  Maris Racal distributes’free bigas’ to celebrate showbiz milestone

Tumaas rin ang mga kilay ng netizens dahil sa love song na ginamit sa kanta.

Agad naman itong in-address ni Andi Eigenmman sa isang Instagram story na parang pinapatamaan ang influencer.

Read More:  Maris Racal distributes’free bigas’ to celebrate showbiz milestone

Aniya, hindi okay na mag-edit ng mga video at i-post ito sa social media para gumawa ng drama.

Ngunit paglilinaw ni Andi, maaaring lumabas, makipag inuman, at makipag hangout sa kahit sino man si Philmar, at hinding hindi niya pagbabawalan ang kanyang fiance.