Arestado ng mga awtoridad ang anak kilalang drug lord na si Joaquín “El Chapo” Guzman na si Ovidio dahil sa pagkakasangkot sa drug trafficking sa Mexico.
Si Guzman ay nahuli ng federal police noong 2019 ngunit siya ay napalaya pagkalipas ng ilang oras dahil sa pangamba na ang kanyang pagkakakulong ay mauuwi sa mas maraming karahasan.
Bago maaresto si Ovido, sumiklab ang putukan sa pagitan ng mga miyembro ng Sinaloa cartel at Mexican security services sa buong bahagi ng Culiacan city. Tatlong miyembro ng security forces ang napatay sa sagupaan.

Si Guzman, ay sangkot umano sa drug trafficking operation ng kanyang ama mula pa noong siya ay binatilyo. Naniniwala ang mga awtoridad na direktang involve ito sa iligal na gawain mula noong inaresto si El Chapo noong 2016.//CA