Higit sa $16 billion ang kailangan para matulungan ang Pakistan na makabangon mula sa pagbaha noong nakaraang taon.
Sa hangarin na matugunan ang matataas na pangangailangan, ang Prime Minister ng Pakistan na si Shehbaz Sharif at ang Secretary General ng UN na si Antonio Guterres ay magho-host ng isang international conference sa susunod na linggo.

Magtitipon-tipon ang mga pinuno ng estado at pamahalaan.
Sinabi ng mga kinatawan ng UN at Pakistani na nilalayon nilang makakuha ng suporta matapos mag-iwan ng higit sa 1,700 katao ang namatay at nakaapekto sa higit sa 30 milyong iba pa ang nangyaring pagbaha.//CA