Amores, magiging bahagi ng 14-man lineup ng Zamboanga Valientes sa ASEAN Basketball League

Magiging bahagi ng 14-man lineup ng Zamboanga Valientes sa ASEAN Basketball League na gaganapin sa Singapore ngayong araw ang Change man na si John Amores.

Makakasama ni Amores sina NCAA star James Kwekwetei, dating Gilas players Kemark Carino at JR Cawaling, at imports Antonio Hester, Will Deng at Ryan Smith.

Matatandaang, naging headline ang kontrobersyal na player a matapos ang isang punching spree sa isang laro ng NCAA sa pagitan ng kanyang koponan na Jose Rizal University at College of St. Benilde.

Gagawa ng kasaysayan ang Valientes bilang kauna-unahang lungsod na kumatawan sa Pilipinas sa ABL.