VP Sara Duterte, inaasahang mananatili ang resiliency sa mga Pilipino sa 2023

Inaasaahan ni Vice President Sara Duterte na mananatiling resilient ang Pilipino sa 2023.

Sa kanyang New Year message, hiniling ng Bise Presidente na ang sense of nationhood, spirit of Bayanihan, at ang resiliency ng kanyang mga kababayan ay mananatiling gabay sa pagbuo ng mga reporma, polisiya, at programa para sa kapakanan ng kanyang nasasakupan.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Bukod dito, umaasa rin si Duterte na ang walang-humpay na nation-building efforts ay magbibigay-daan para sa tagumpay ng gobyerno, business arena, agricultural sector, maging ng iba pang mga industriya.

Read More:  Abalos backs DFA’s condemnation of China’s ‘monkey’ video

Hinikayat din niya ang mga Pilipino na magkaroon ng Bagong taon na puno ng kahalagahan at katatagan upang makabuo ng mas maayos na buhay at mas maayos na komunidad.