Pacquiao, nakatakdang harapin ang isang Japanese opponent ngayong 2023

Nakatakdang harapin ni Manny Pacquiao ang isang Japanese opponent ngayong 2023 matapos niyang makipagkasundo sa mixed martial arts promotion na Rizin Fighting Federation.

Tinapos ng Filipino boxing icon ang taong 2022 sa isang nakakagulat na anunsyo sa kanyang pagharap kay Japanese promotion president Nobuyuki Sakakibara sa Rizin 40 event sa Saitama Super Arena sa Japan.

Hindi pa rin malinaw kung ang 44-taong-gulang ay makikita sa aksyon sa isang official match o isa  pang exhibition fight.

Ang eight-time division champion ay kamakailang nangibabaw sa Korean mixed martial artist at YouTuber na si DK Yoo sa isang six-round exhibition tatlong linggo na ang nakakaraan.

Huling lumaban si Pacquiao sa professional scene matapos matalo kay Yordenis Ugas sa pamamagitan ng unanimous decision sa isang WBA super welterweight title defense noong Agosto 2021.//CA